Frequently Asked Questions

Q: Sino ang dapat gumamit ng Information Sheet?

Ang LAHAT ng nagpapadala ng Balikbayan Box ay dapat gumamit ng Information Sheet, kahit hindi mag-aavail ng duty and tax exemption privilege. (Taliwas sa unang inanunsyo)

Q: Ilang Set ng 5-page Information Sheet ang kailangan, at para Kanino / Saan ang mga ito?

Kailangan ng 5 sets ng 5-page Information Sheet. Isa sa sender, isa sa Principal/Consolidator, isa para sa Agent/Deconsolidator, isa para sa Customs, at isa ay naka-attach sa box.

Q: Ano ang dapat ilagay sa Information Sheet? At maaari bang computerized ang mga impormasyon na ilalagay dito?

Maaari pong computerized, ngunit ang pirma ay dapat sulat-kamay. Dapat ilagay isa-isa ang deskripsyon/pangalan at eksaktong bilang ng bawat item na nakapaloob sa box.

Q: Ano ang value na ilalagay kung ang laman ng kahon ay Bigay lamang, mga lumang gamit, o regalo?

Estimate na value lamang ang ilagay. Kung ano sa iyong palagay ang halaga ng item na iyon bilang second hand.

Q: Kailan kinakailangang mag-sumite ng photocopy ng Philippine Passport?

Ang photocopy ng Philippine Passport ay kailangan lamang kung ang isang OFW ay mag-aavail ng duty and tax exemption privilege para sa mga bagahe na may halagang higit sa Php 10,000.00 at mas mababa sa Php 150,000.00

Q: Kailan kinakailangang mag-sumite ng Resibo ng Item/s?

Kailangan ang resibo para sa mga item na brand new at may halagang higit sa Php 10,000.00 bawat isa. Hindi kailangang magsumite ng resibo kung ang laman ng box ay 2nd hand, Used, o ibinigay lamang (Taliwas sa nakasaad sa Information Sheet)

Q: Ano ang De Minimis na type ng Availment?

Ibig sabihin nito ay Php 10,000.00 pababa lamang ang halaga ng bawat box na pinapadala.

Q: Paano kung ang sender ay hindi Filipino?

Maaari ka parin magpadala ng box sa ilalim ng De Minimis value Type of Availment.

Q: Ilang box po ang maaaring ipadala ng bawat sender, sa bawat consignee?

Bawat sender ay maaaring magpadala ng kahit ilang box (Di lalampas ng 0.20 cbm ang sukat bawat isang box) kada shipment kung mag-aavail ka ng duty and tax exemption privilege. Maximum ng Tatlong (3) padala kada taon sa magkakahiwalay na shipment lamang ang pwede, at hindi hihigit sa Php 150,000.00 ang total value sa buong taon. Kung De Minimis o mababa sa Php 10,000.00 ang laman ng kahon, kahit ilang box ay pwede sa buong taon, basta’t isa lamang kada shipment.

Q: Ano ang mga pwede at Ilan kada item ang pwedeng ilagay sa Balikbayan Box?

Sa mga consumable items, hanggang 20 lamang bawat uri. Sa hindi consumable, hanggang 5 lamang. Para sa alak, hanggang 1.9 litro lamang. Sa sigarilyo ay isang rim lamang.

Para sa mga Consolidator:

Q: ETA MANILA ay August 1, 2017. Dapat ba ay may Information Sheet na kaming naka-attach sa bawat box at isumite?

Maaari, pero hindi po kailangan. Ang August 1 na sinasabi ay ang petsa ng Pick-up. Kung halimbawa ay pinick-up ang box mula sa sender ng August 1, dapat ay gamitin na ang Information Sheet at sundin na ang bagong patakaran ng Customs. Sa pagdating ng shipment sa Pilipinas matapos ang 1 linggo hanggang 45 araw ng paglalakbay sa laot, dun pa lamang ipatutupad sa Customs ang hindi pag-release ng container na hindi sumunod sa bagong implementasyon. Dapat siguraduhin na lahat ng na-Pick up ng August 1 ay may Information Sheet. (Taliwas sa unang inanunsyo)

Q: Sa Bill of Lading, dapat pong palitan ang description na PERSONAL GOODS?

Opo. Dapat gawing CONSOLIDATED BALIKBAYAN SHIPMENT

Q: Anong pahina sa Information Sheet ang kailangang sagutan ng Sender, Consolidator at Deconsolidator?

Ang pages 1-2 ay kailangang sagutan ng Sender, page 3 ay dapat sagutan ng Consolidator, at page 5 para sa Deconsolidator.

Q: Bakit wala ang pangalan ng Philippine Agent sa listahan ng BOC-Registered Balikbayan Box Deconsolidator? At bakit 11 lamang ang rehistrado?

Dahil and BOC ay hindi pa po tapos sa pag-check ng mga dokumento ng daan-daang forwarders. Ayon sa kanila, isang tao lamang po ang gumagawa nito sa kanilang opisina, kaya hinihiling nilang maghintay ang lahat hanggang sa sila ay matapos.

Q: Ano ang Balikbayan Box Privilege at sino ang pwedeng mag-avail nito?

Maaaring mag-avail nito ang mga Resident Filipino, OFWs, at Non-Resident Filipino na may Philippine Passport na  layuning magpadala ng Balikbayan Boxes na may value na higit sa Php 10,000.00 at di lalamapas sa Php 150,000.00 sa kanilang mga kamaganak (PARENT, CHILD, SPOUSE,BROTHER,SISTER, AUNT, UNCLE, GRANDPARENT, NIECE, NEPHEW, GRAND CHILD,GREAT GRAND PARENT,FIRST COUSIN, GRAND NEPHEW/NIECE)

NOTE: Ito po ay SUBJECT TO CHANGE parin, depende sa Bureau of Customs